[mit-ac6] On Teens and Sex

  • From: Neil Santos <ne0_akt@xxxxxxxxxxxxx>
  • To: mit-ac6@xxxxxxxxxxxxx
  • Date: Thu, 17 Oct 2002 20:44:39 +0800

>> [Thursday] 10/17/2002 :: 8:16 PM -- NEWMSG

Okay...  Nu'ng simulan ko 'tong post na 'to, English ang gamit ko (mas
komportable kasi akong maghayag ng opinyon sa English, lalo na pag
electronic).  Pero, kako, para ma-iba naman, Pinglish ang gagamitin ko.

Minsan nga, masubukang mag-Esperanto...  One time lang...  Hehehe

Anyway, kahapon, dumampot ako ng recent issue ng Time (ung magazine).
Wala lang; trip lang.  Naglilipat-lipat lang ako ng mga pahina, nang may
napuna akong artikulong umagaw ng aking pansin (Naks!  Peste, anhirap!
:b).  Ang paksa?  You guessed it; tungkol sa teens at sex.

This is one topic I haven't discussed yet, so, sabi ko, ita-try ko.

Sigurado akong karamihan sa 'tin dito ay lumaki ng walang naranasan
galing sa mga magulang natin na formal discussions tungkol sa sex.
Bakit ako sigurado?  Kasi, alam ko, na sa kultura natin, taboo ang sex.
Kahiya bang pag-usapan publicly, kahit alang malisya, especially between
males and females.

Eh ano naman, d'ba?  Sex lang naman yan; dadating din yan.

Oo nga, pero ang kaso, dahil wala lahat tayong alam, pagdating ng sex,
sunggab na lang tayong mga lalaki, at tunganga na lang ang mga babae.
Ang masama pa nyan, kadalasan, nasugod tayo na walang dalang kahit
ano'ng armas.

Patay na tayo, ke babae, ke lalaki, kung naging sundalo tayo.

Oops!  Teka...  Baka ang sabihin ng mga lalaki, may mga alam sila, sabi
ngiting demonyo.  May mga nalalaman nga tayong mga lalaki; pero sa'n
naman galing?  Mga payabangan din natin habang mga nagkwe-kwentuhan sa
inuman, d'ba?  Andaming exaggerations at half-truths; kung naging
sundalo tayo, para tayong sumugod ng ang dala ay tirador.  At sumpit.

Pero tama na yang mga `kung naging sundalo' ek-ek na yan; nde naman tayo
mga sundalo eh.

Sa palagay ko, nothing's wrong with sex.  Or at least, ung pag-usapan
man lang 'to.  Ang akala ata ng mga magulang natin, kapag wala tayong
alam, nde tayo magiging curious.  Obvious bang mali sila?

Ang nagagawa lang ng pag-iwas sa sex talk ay ang pagkalat ng ignorance.
Imbis na maging prepared tayong mga teenagers, nagiging mga mangmang
lang tayo.

Pero may lilinawin lang ako.  Am I advocating premarital sex?  Hell, no!
Mas maganda pa ring maghintay--trust me; I'm speaking from experience.
Pero dapat lang na alam natin ang mga options natin, kung sakaling nde
tayo mag-stick sa `vow of celibacy, until marriage'.  Mali ang nigagawa
ng mga magulang natin, na hahayaan tayong maghanap ng mga sagot sa mga
kabarkada natin.

Ayaw man nilang ma-expose tayo sa mga ganitong mga ideas, nde nila
mapipigil un, lalo na't sobrang saturated tayo sa kultura ng mga
taga-Kanluran.

Ang labo na ba ng post ko?  Eh, ano ba talaga ang gusto kong sabihin?
Simple lang;  kung makakapaghintay, maghintay.  Mas magandang desisyon
un.  Pero kung nde makakapaghintay, alamin n'yo man lang muna ung mga
pwede nyo'ng gawin para walang makahawa ng kung ano mang sakit.

At wag umasa na walang sakit ang partner n'yo.  Nde mo naman makikita sa
kulay ng balat, o sa peklat sa ilong kung may AIDS or HIV ang partner mo
eh.  Traydor ang mga STD.  Ikaw rin...

Wag ring isipin na porke't may condom kayong suot, eh protektado na
kayo.  May mga STDs na nde lang sa intercourse pwedeng makuha.
Mag-research muna.  Ganun ang nigawa ko nu'n, bago ako sumubok ng
marijuana.  Alam ko ung nipasok ko, bago ko pa pasukin, kaya walang
suprises.

Ansama nga lang kung STD ang susupresa sa'yo.

Ung problema ng mga magulang natin, na minsan, eh sobrang protective,
wala akong magagawa dyan.  Nde ko naman sila magulang; eh kung ung mga
magulang ko nga, nde ko makausap tungkol sa sex, eh, ung sen'yo pa?

Basta, tandaan: Sex for the first time (and each time after that) is a
good thing, but only if you're prepared; but sex is even better if
you're with the person you're going to spend the rest of your life with,
whether you're married or not.

Concern lang sa mga...  eherm, kapatid ko! :)

-------
``... I don't suppose we shall see them again.''
        -- Frodo, from `The Fellowship of the Ring', by J.R.R. Tolkien

... A centipede is an inchworm that has switched to the metric system.



Other related posts:

  • » [mit-ac6] On Teens and Sex