[mit-ac6] Fwd: FW: Paano naman kaming mga productive middle-class Pinoys!

  • From: mark paulo <markpaulo28@xxxxxxxxx>
  • To: mit-ac6@xxxxxxxxxxxxx, mitc_upgrade@xxxxxxxxxxxxxxx, ibbbautista@xxxxxxxxx, dave de vera <davedv17@xxxxxxxxx>, jemmabelle hernandez <her_jem@xxxxxxxxx>, hazel magbuhat <hfmagbuhat@xxxxxxxxx>, abbigail malonzo <smurfrevolt@xxxxxxxxx>, Neds Manangan <neds.manangan@xxxxxxxxxxx>, upgrade mitc <upgrade_mitc@xxxxxxxxx>, sidney pascua <sidneypascua@xxxxxxxxx>, yuki tanaka <b24bujai@xxxxxxxxx>, ka_tropa@xxxxxxxxxxxxxxx
  • Date: Tue, 28 Feb 2006 07:32:03 -0800 (PST)


Note: forwarded message attached.
                
---------------------------------
Yahoo! Mail
Bring photos to life! New PhotoMail  makes sharing a breeze. 
--- Begin Message ---
  • From: "Anna Paulo" <paulo.anna@xxxxxxxxx>
  • Date: Tue, 28 Feb 2006 16:52:32 +0800
------------------------------------------------------------------
> Ako ay isang middle class pinoy, isang officer sa isang malaking
> korporasyon at may asawa...dalawa anak.  Di na importante pangalan ko kasi
> parepareho naman tayong mga middle-class....trabaho 9-5, inom konti tapos
> uwi sa pamilya, laruin si baby, itutor si ate/kuya tapos tulog na, pag
> wala
> na pera intay nalang ng sweldo.
>
> Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat nalang ng sector ay maingay at
> naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying at productive Pinoys ang
> di naririnig.  Subalit, buwis natin ang nagpapaikot sa bansang ito.  Pag
> may mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan.  Kaya eto ang liham ko sa
> lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag na
> pag-iisip.
>
> Sa Mga Politiko:
>
> - diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo di na ba kayo makuntento
> kelangan nyo pa ba manggulo.
>
> Sa Administrasyon:
>
> - hayan ayus na ha pinatawad na namin ang pandaraya nyo sa eleksyon,
> pruweba dito e di kami umaatend sa mga panawagan ng people power, kaya
> sana
> naman gantihan nyo kami ng magandang serbisyo at magaling na pamumuno at
> malaking bawas sa kurakot naman please para kahit papano maramdaman naman
> namin na may napupuntahan ang binabayad naming buwis.
> - saka Madam GMA, step down ka na pag parliamentary na tayo sa 2007,
> tignan
> mo, i-announce mo mag-step down ka kapag parliamentary na tayo, resounding
> YES yan sa plebiscite at tigil pa ang mga coup at people power laban sayo.
> Try mo lang.........
>
> Sa Oposisyon:
>
> - di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao ang nakikinig sa
> inyo....isa ay bayaran na mahihirap kungdi man ay tangang mga excited na
> reporter na parang naka-shabu lagi....mga praning e at naghahallucinate.
>
> -  Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa administrasyon, pumili
> muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit sa liderato ngayon.  Hirap
> sa inyo paresign kayo ng paresign wala naman kayo ipapalit na maayos.
> Advise lang galing sa isang middle-class na syang tunay na puwersa sa
> likod
> ng lahat ng matagumpay na People Power, magpakita muna kayo ng galing bago
> nyo batuhin ang administrasyon.  Wala na kaming narinig sa inyo kundi
> reklamo, e wala naman kayong ginagawa kundi magreklamo....para kayong
> batang lagi na lang naaagawan ng laruan.....GROW UP naman...sa isip sa
> salita at sa gawa.
>
> - please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na katabi nyo ay mga
> bayaran
> na mahihirap, magtayo nalang kayo ng negosyo at iempleyo ang mga rallyista
> para maging productive silang mamamayan.  Sige nga, pag nagrarally kayo
> yakapin nyo nga at halikan yang mga kasama nyong nagrarally!!   Nung
> People
> Power namin nagyayakapan kami lahat nuon.
>
> - Wala naman mangyayari sa mga rally nyo nakakatraffic lang, kami pang
> middle-class ang napeperwisyo.  Di nyo kayang paghintayin ng 3 araw ang
> mga
> rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at swelduhan ang mga yan.  Kung
> gusto nyo tagumpay na People Power kami ang isama nyo....pero pagod na
> kami
> e, sori ha.
>
> Sa Military:
>
> Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may problema, 2,000 plus na
> patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason naman,  pero nakita nyo ba
> sila nagreklamo? Wala diba kasi professional sila na sundalo.....yan dapat
> ang sundalo di nagtatanong sumusunod lang.  Kasi may mga bagay na di
> kayang
> maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga nakatataas lang ang
> nakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng lahat ng military ng
> lahat ng bansa.  Pero parang military natin yata ang pinaka-mareklamo.
> Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great
> responsibility".....kaya maging spiderman kayo lahat at protektahan ang
> mamamayan. Sa totoo lang natatakot kami kapag nagrereklamo kayo, kasi may
> baril kayo at tangke, kami wala.
>
> Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila maingay na kusa e,
> may bayad ang ingay nila.  Saka wala rin naman sila email.
>
> Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto hanggang email nalang tayo
> kaya
> ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa mga dapat makabasa
> nito
> at makiliti naman ang kanilang mga konsyensya.
>
>
>
> Signed,
>
> Isang Middle-Class pinoy na walang puknat na binabawasan ang sweldo ng
> Buwis!
>
>

--- End Message ---

Other related posts:

  • » [mit-ac6] Fwd: FW: Paano naman kaming mga productive middle-class Pinoys!